Hiniwalayan ng girlfriend: Stude hulog mula 11th floor ng condo, lasog

MANILA, Philippines - Lasog ang isang 19-anyos na 3rd year college student matapos itong tu­malon mula sa ika-11 palapag nang inuupahan nitong condominium dahil hindi matanggap ng biktima ang pakikipag-break sa kanya ng kanyang girlfriend sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa San Juan de Dios Hospital  si Carlo Feliciano, estudyante ng PATS at naninirahan sa Chauteu Bay Tower, na matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Blvd., Brgy. Baclaran, ng naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Pio Calvo, ng Investigation Division ng Parañaque City Police at sa barangay tanod na si Ricardo Guazon, na unang rumisponde sa insidente, alas-7:00 ng umaga nang tumalon ang biktima mula sa ika-11 palapag ng naturang condominium.

Nabatid na nakipag-break sa biktima ang nobya nito na hindi na binanggit ang pangalan.

Bago ang insidente, nagpunta ang binata sa kanilang terrace para aniya manigarilyo at habang abala­ naman ang ina nitong si Chona,  na nagluluto ng kanilang almusal ay dito na nga isinagawa ng biktima ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon.

Nalaman din na dalawang beses na palang nagtangkang magpatiwakal ang binata at ngayon ikatlong pagkakataon ay natuluyan ito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Show comments