Ginang itinumba sa Pasay

File Photo

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng hindi nakikilalang suspect ang isang   52-anyos na ginang, kahapon  ng umaga sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Edna Tambagahan, residente ng  R. Tankian St.,  ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon sa report na natanggap ni Senior Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-8:30 ng umaga sa panulukan ng R. Tankian at  E. Rodri­guez Sts. sa  siyudad.

Nabatid na habang kausap ng biktima ang nakababatang kapatid na si Yolanda Asuncion, 44, nang biglang  dumating ang suspek na  sakay ng isang motorsiklo. Agad na bumunot   ng baril ang suspek at saka pinaputukan sa likurang bahagi ng ulo ang biktima na duguang bumulagta. Muli itong  binaril ng suspect at tiniyak na hindi ito mabubuhay.

Matapos ito ay mabilis na tumakas patungong F. B. Harrison­ St. ang salarin. 

Inaalam pa ng pulisya kung may koneksyon sa droga ang nasabing pagpaslang. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

 

Show comments