MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng all female sing and dance group na Mocha Girls ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa San Juan City kahapon ng madaling-araw.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng madaÂling-araw nang maganap ang aksidente sa panulukan ng EDSA at Annapolis St. sa lungsod.
Ayon kay Mae Dela Cerna, isa sa mga biktima, gaÂling umano sila sa isang pagÂtatanghal sa Timog AveÂnue, Quezon City at pauwi na sana nang mahagip ng pampasaherong bus na AC Trans at minamaneho ni Sonny Samson ang kanang bahagi ng kanilang sasakyan.
Nakaladkad umano ng bus ang kanilang sasakyan hanggang sa makarating sa gutter.
Sinasabing unang nahagip ng isang Toyota Innova (ZND-711), na minamaneho ng isang Pancho Gonzales, ang bus sanhi upang mabangga naman nito ang behikulo ng Mocha girls.
Sinabi ni dela Cerna na lasing si Gonzales nang maganap ang aksidente dahil bago salpukin ang bus ay hinahabol ito ng mga pulis matapos na una nang ma-hit and run ang isang security guard sa Greenhills.
Arestado naman si Gonzales, na humingi ng paumanhin sa kanyang mga nabangga at inaming lasing na lasing siya nang maganap ang aksidente.
Bukod kay dela Cerna, sugatan din sa aksidente ang kanyang mga kasamahan na sina Jho Ann Sotelo at Sabrina Turner.
Ang tatlo ay pawang nagtamo lamang naman ng bahagyang sugat at galos sa katawan, bagamat isinugod pa rin sila sa Cardinal Hospital upang malunasan.
Nabatid na kasama umano ng mga biktima ang kanilang manager at driver na si Lord Byron Cristobal nang maganap ang aksidente.