MANILA, Philippines - Isang transgender ang nagsampa ng kaso sa Quezon City ProseÂcutor’s Office laban sa isang supervisor at lady guard ng kanilang opisina na nagtaboy sa kanya nang gumamit ng pambabaeng comfort room.
Ang mga kinasuhan ng unjust vexation at paglabag sa Section 1 ng QC Ordinance SP-1309, S-2003 o discriminatory act ay sina Mineleus Llegunas, superÂvisor at Anne May Pacheco, lady guard ng NC Lanting Security Specialty Agency na naka- assign sa Fairview.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni John Gerard “Mara†La Torre, call cenÂter agent at 22-anyos ng Rodriguez, Rizal na siya ay ipinanganak na lalaki pero ang kanyang kaÂsarian ngayon ay babae na makaraang maging isang transgender.
Sinabi ni La Torre na noong umaga ng February 20 habang siya ay gumaÂgamit ng ladies’ CR sa kanilang opisina sa TeleÂperformance, sinabihan siya ni Pacheco na lumabas ng palikuran dahil bawal siya doon.
Nilapastangan anya ng dalawa ang kanyang karapatan bilang isang tao.
Sa reklamo, ipinaliwanag ni La Torre kay Pacheco na transgender siya kaya’t maaari siyang gumamit ng ladies’ CR. Pero sinabi umano sa kanya ni Pacheco na sumusunod lamang siya sa utos ng kanyang supervisor na si Llegunas.
Inabisuhan din umano siya ng kanilang HR department na hindi siya maaaring gumamit ng ladies’ CR dahil pambabae lamang daw ito.
“Hindi ako nakapagkaÂtulog dahil sa pangyayari, inawasan ko na ang water intake ko upang maiwasan ang paggamit ng female restroom dahil wala naman CR na unisex dun. Nagkaroon ito ng epekto sa kalusugan ko dahil madalas matuyo ang lalamunan ko at madalas akong mauhaw. Sa kabila ng pagsisikap kong ito, minsa’y nangangailangan pa rin akong gumamit ng female restroom. Nagpipigil na lang ako ng pag-ihi na naÂging dahilan ng pagsakit ng bandang kanang tagiliran ng aking tiyan,†nakasaad pa sa affidavit ni La Torre.