MANILA, Philippines - Isang estudyante ng De La Salle University na nagbebenta ng ecstacy ang nadakip matapos ang isang buy-bust operation sa Malate, Maynila kamaÂkalawa.
Sa report ni PDEA Special Enforcement Service Director Jeoffrey Tacio, kiÂnilala ang suspek na si Prahbijot Gill, Indian, 18, residente ng Antipolo St., Sampaloc, Maynila.
Ayon sa report, pasado alas-2:00 ng hapon noong Lunes, nagsagawa ng buy-bust ang nagsanib na puwersa ng PDEA at MPD Station 9 sa East Tower, One Archers Place sa Taft Avenue, Maynila, malapit lamang sa DLSU.
Nakumpiska sa suspek ang 223 na piraso ng ecstacy na nagkakahalaga ng P334,550.
Sa imbestigasyon ng puÂlisya, ang naturang Indian ay malaking supplier ng illegal droga sa Metro Manila at sa Region 3 at karamihan umano sa mga binebentahan ay mga maÂyayamang estudyante.
Ang suspek ay sasaÂilalim sa inquest proceedings sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, isang uri ng non-bailable case.