MANILA, Philippines - Nasimot ang mahahalagang gamit ng isang dentista matapos na looban ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang klinika sa Sampaloc, Maynila noong hapon ng Lunes.
Kinilala ni MPD Station 4 commander Supt. Samuel B. Pabonito ang biktima na si Dra. Dulce Otamias, 45, ng G. Tuazon St., Sampaloc, Maynila.
Sa salaysay ng dentista, alas-2:26 ng hapon nang pasukin umano ng suspek na inilarawan lamang na may taas na 5’8, katamtaman ang laki ng katawan, maitim, may kulay ang buhok, nakasuot ng asul na pantalon at rubber shoes ang klinika.
Hinanap pa ng nasabing suspek sa mga anak ng doktora ang dentista sa naturang klinika, at kasunod na rin nito ang pagdedeklara ng holdap.
Kabilang sa mga nataÂngay na gamit ay gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P20,000, tatlong laptop (P105,000), Toshiba camera (P60,000), Cannon camera (P40,000), Samsung cellphone (P10,000), Samsung Galaxy cellphone (P30,000), graduation ring (P10,000) at cash na P5,000.
Sa salaysay ng dentista, nagÂtungo lamang siya sa isang parlor at pagdating niya ay nalimas na ng salarin ang kanyang mga gamit.
Nakasakay umano sa isang hindi naplakahang motorsiklo ang suspek na agad tumakas matapos ang insidente.