Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo

MANILA, Philippines - Nagpatupad muli ng  dag­dag-bawas sa presyo ng ka­nilang  produkto ang mga kompanya ng langis na magiging epektibo ngayong araw na ito.

Nabatid, na pinangunahan kahapon ng Petron Corporation at Pilipinas Shell ang pagpapatupad ng bawas presyo ng gasolina na nasa 45 sentimos sa kada litro at 10 sentimos naman sa kerosene epektibo ito alas-12:01 ng hatinggabi kanina.

Kasabay nito, tumaas na­man ang presyo ng kani­lang diesel ng 10 sentimos kada litro.

Sinabi ni Ina Soriano,  ng Pilipinas Shell at Raffy Ladesma, Petron Strategic Communications Manager, nabatid na  ang dagdag-bawas ng kanilang produkto ay dahil sa paggalaw ng presyo ng langis sa world market.

Inaasahan naman ang pagsunod ng ilan pang ma­lalaking kompanya ng la­ngis ng dagdag-bawas sa kanilang mga produktong petrolyo.

Tulad ng PTT Philippines­, magpapatupad din ng dagdag-bawas kapareho ng ha­­lagang pinatutupad ng Shell at Petron, ang Eastern­ Petrolium naman ay magpa­patupad ng pagbawas presyo­ ng gasolina na nasa 50 sentimos sa kada litro at wala namang paggalaw sa presyo­ ng kanilang krudo.

Subalit ang Phoenix Pe­trolium, alas-6:00 ngayong umaga magpapatupad ng dagdag-bawas presyo kapa­reho ng halaga ng Petron at Pilipinas Shell.

 

Show comments