Lalaki huli sa ‘no helmet’, patalim

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang dinakip  matapos itong mahulihan ng  matalas na bagay nang pahintuin ng police escort   dahil sa walang suot na helmet  habang sakay ng kanyang  motorsiklo sa  Maynila.

Doble sisi  si Romer Cachero, 34 ng  no 179 Saniboy St. Hulo, Mandaluyong City nang masita ng awtoridad.

Ayon kay PO3 Don Punsalang escort siya ni Manila Vice Mayor Isko Moreno nang makasabay nila si Cachero na sakay ng kanyang  pulang motorsiklo.

Dahil sa walang suot na helmet, pinara ni  Punsalang si Cachero na binalewala naman ng  huli. Tinawagan naman ni Moreno sa pamamagitan ng   handheld radio ang escort na si Punsalang at inatasan na harangin si Cachero.

Dito na sinita ni Punsalang si Cachero subalit nagulat ito ng makuhanan ng  patalim sa kanyang  bewang.

Dinala naman sa Manila City hall detachment si Cachero kung saan  kinumpiska ang  lisensiya nito dahil sa driving without wearing safety helmet at sinampahan naman ng kasong  illegal possession of bladed weapon sa piskalya.

 

Show comments