Parking libre sa mga Bgy. officials, empleyado ng city hall

MANILA, Philippines - Libre  ang  parking sa likod ng  Bonifacio Shrine sa Maynila para sa mga barangay officials at empleyado ng   Manila City hall.

Ito naman ang binigyan diin ni  Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Y. Logica  kahapon  bunsod na rin ng   pagpapaluwag at pagsasaayos ng mga  kalsada sa Maynila.

Ayon kay Logica, sumulat na siya sa Manila Parking Management (MAPMA) upang  agad na maipatupad ang  memorandum at mabigyan ng  libreng  parking ang  mga barangay officials   bago matapos ang  buwan habang nagsimula nang ipatupad  ang  free parking para sa city hall employees.

Paliwanag ni  Logica, dapat lamang na mabigyan ng   maayos na paradahan ang mga empleyado at barangay officials  bilang  respeto at pagtugon sa kanilang  pagbibigay serbisyo sa publiko.

Kailangan lamang  aniyang  magpakita ng  ID ang sinumang  barangay officials at empleyado bilang patunay.

Giit ni Logica,  ang kanilang programa ay bahagi pa rin ng pagsasaayos ng  mga daan  sa iba’t ibang  bahagi ng lungsod.

 

 

Show comments