150 bahay naabo sa Tondo

Umaabot sa  may 150 kabahayan ang natupok ng sunog kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. (Kuha ni  BENING BATUIGAS)  

MANILA, Philippines - Naabo ang tinatayang 150  na bahay sa C.P. Garcia St., at Road 10 sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Manila Fire Department,  gawa lamang sa mga materyales na madaling masunog ang mga dikit-dikit na bahay sa naturang lugar.

Umaabot naman sa  200 hanggang 250 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasabing sunog na nagsimula mag-aala-1:00 ng  madaling-araw at ganap na naapula pasado alas-7:00 ng umaga.

Pansamantalang nanuluyan muna sa mga covered court at eskuwelahan ang mga biktima ng sunog na tinutulungan na ng Manila Social Welfare and Development.

Hindi pa tukoy ang tunay na simula ng sunog ngunit tinitignang anggulo na rin ang umano ay napabayaang kasangkapan.

Tinatayang aabot sa P5-M  ang halaga ng napinsala sa sunog na umabot sa Task Force Bravo.

 

Show comments