MANILA, Philippines - Arestado ang isang seaman matapos na ireklamo ng panggagahasa ng isang menor de edad sa isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ni Manila City hall- Manila Action and Special Assignment (MASA) chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr. ang suspek na si Roderick Padilio, 42, tubong Kabangkalan, Negros Occidental at isang oiler (JEBSEN).
Sa panayam sa biktimang si Nora, 17, sinabi nito na naganap ang insidente noong Marso 12 sa City State Hotel sa Sta. Cruz, Maynila nang pumayag siyang makipagkita sa suspek dahil may papipirmahin umano ito sa kanya na dokumento para sa ATM.
Nagulat na lamang ang biktima nang pumasok sila sa nasabing hotel. Sa kabila ng kanyang panlalaban ay naisagawa ng suspek ang panggagahasa kung saan inirecord pa ito ng suspek sa kanyang laptop.
Sa pahayag ng biktima sa imbestigador na si PO3 Christian Balais, matapos ang 11 isang araw ay muÂling nagtext sa kanya ang suspek at sinabihang makipagkita na binalewala naman ng biktima.
Subalit natakot ang biktima nang itext siya ng suspek ng, ‘ pag di ka nakipagkita sa akin baka ipost ko na to sa mga facebook at mga friends mo’. Bunsod nito nakipagkasundo ang biktima na makipagkita sa suspek kahapon sa isang mall sa tapat ng city hall kung saan humingi naman ng tulong sa MASA .
Agad namang umaksiyon ang mga operatiba ng MASA sa pangunguna ni Sr. Insp. Ness Vargas at dinakip ang suspek. Kabilang sa mga dumakip ay sina PO1 Abdul Jabbar Alonto, PO1 Jake Balberde, PO2 Christopher Silva, PO2 Norman Manalansan, SPO1 Joel Aquino at SPO1 Nicanor Zablan III.
Inamin naman ng suspek ang kanyang ginawa kung saan sinabi nito na nais niyang gawing souvenir ang video dahil papaalis na uli siya ng bansa sa susunod na buwan.