MANILA, Philippines - Nagpahayag ng suporta ang Liga ng mga Barangay (LNB) National Executive Board (NEB) sa ‘Tuwid na Daan’ ni Pangulong Noynoy Aquino sa pamamagitan ng kauna-unahang board resolution.
Ayon kay National President Atty. Edmund R. Abesamis, mas magiging epektibo ang barangay ngayon dahil sa suporta ring ibinibigay ng pamahalaan.
Ginanap ang 1st Board Meeting ng LNB-NEB noong Marso 17, 2014 kung saan ang nasabing resolution ay isinumite naman kay pangulong Aquino sa oath-taking ceremony noong Martes sa Manila Hotel.
Nakasaad sa resolusyon na ang paglaki sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga barangay ay nagbibigay daan upang tugunan ang mga pangunahing pangaÂngailangan o ‘basic social services’ ng mga mamaÂmayan sa barangay.
Dapat na may kaakibat na pananagutang maging masinop at maingat sa pagÂÂgugol at paggasta sa salapi ng barangay upang epektibong matugunan ang mga pangaÂngailangan ng mga mamamayan.