Pasay impounding area nasunog; 100 sasakyan sira

MANILA, Philippines - Aabot sa 100 sasakyang ang nasira matapos masunog ngayong Biyernes ang impounding area ng lungsod ng Pasay.

Bandang ala-6 nagsimula ang sunog sa pribadong impounding area na pinapatakbo ng Southern Crescent sa Buendia Avenue.

Kaagad rumesponde ang mga bumbero at naapula ang sunog na tumagal ng isang oras.

Kabilang sa mga nasunog na sasakyan ang mga naka-impound dahil sa illegal parking, kabilang ang mga pampasaherong jeep at taxi.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

Show comments