Ama kritikal sa boga ng anak

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang ama makaraang barilin ng anak nito nang magkapikunan habang nag-iinuman sa Ma­labon City, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa tama ng bala sa kaliwang balikat ang biktimang si Florencio Camino, 64, obrero, ng Block 4, Damata, Brgy. Tunsoya ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang tumakas na anak na si Ramel Camino, 44 at nakatira rin sa nasabing lugar na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang biglang magtalo ang dalawa sa hindi mabatid na dahilan  habang nasa kasarapan ng kanilang inuman sa tapat ng kanilang bahay.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo, naglabas ng baril ang suspek at pinutukan ang ama bago mabilis na tumakas habang dinala naman ang biktima sa nasabing paga­mutan.

 

Show comments