MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng isang hindi pa nakikilalang salarin na nakasuot ng bonnet ang isang 13-anyos na totoy sa loob ng isang computer shop, kahapon ng madaling-araw sa MaÂlabon City.
Nasawi sa tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktimang si Ramon Tanjongco, ng C. Perez St., Brgy., Tonsuya ng naÂsabing lungsod.
Sa ulat ng pulisya, nanonood ng mga naglalaro sa loob ng Santina ComÂputer Shop dakong alas-4:30 ng madaling-araw ang biktima nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima saka mabilis na tumakas.
Nabatid na bago ang insidente, kasama ang biktima sa kanyang mga kabarkada na nakipagrambulan sa isa pang grupo ng mga gang sa may Kadima, Letre Road, Tunsoya ng nasabing lungsod.
Nang matapos ang rambol, dumiretso ang grupo ni Tanjongco sa naturang computer shop at naglaro. Dito sinundan ang grupo ng biktima ng kanilang kaaway at sumalakay nang makakuha ng tiyempo.