MANILA, Philippines - Hinatulan ng Quezon City court ng 30-taon pagkabilanggo ang isang pulis matapos mapatunayang guilty sa kasong pagpatay sa 17-anyos na binatilyo may 12- taon na ang nakalilipas.
Sa 17 pahinang desisÂyon ni QC-RTC Branch 102 Judge Ma. Lourdes Giron pinagbabayad nito ang akusadong si SPO1 Geronimo Cestina na noo’y nakataÂlaga sa Station 4 ng QCPD ng P50,000 bilang civil indemnity, P44,058 bilang actual damages, P50,000 bilang moral damages at P30,000 bilang exemplary damages para sa mga naulila ng biktimang si Eduardo Riguer Jr. sa insidenteng naganap noong March 10, 2002.
Si Cestina ay positibong itinuro ng complainant na si Gina Riguer, nanay ng biktima, na siyang bumaril at pumatay sa kanyang anak
Sa rekord ng korte, sinabi ng saksi na isang Javie Gardon na matapos na siya ay nakawan ng kanyang bag ng hindi kilalang mga suspek, isang FX ang huminto sa tapat niya at pinasakay siya ng driver nito at nagsabing hahabulin nila ang mga kawatan.
Anya, ang driver ng FX ay ang akusadong pulis at habang sila ay nasa kahabaan ng Ilang-Ilang Street, sinabi ni Gardon na nabangga ng pulis ang isang teenager na tumataÂwid sa naturang lansangan.
Bumaba anya ng sasakyan si Cestina at saka pinagbabaril ang binatilyo na nalaunan ay nakilalang si Eduardo Riguer na pinoÂsasan pa at saka itinapon sa loob ng sasakyan ni Cestina.
Ani Gardon, hindi umano si Riguer ang nagnakaw sa kanya.