MANILA,Philippines - Dalawang babae ang sugatan matapos sumabog ang isang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa lungsod ng Pasay ngayong Huwebes.
Nakilala ang mga biktimang sina Mirasol Vicente at Excel Sordilla na kapwa residente ng Riverside street ng Barangay 156 sa distrito ng Tramo.
Sumabog ang tangke ng LPG bandang 12:30 ng madaling araw.
Ayon sa imbestigasyon kauuwi lamang ng dalawa nang mapansing nakatanggal ang hose ng LPG sa kalan.
Ikinabit ni Vicente ang hose at binuksan ang kalan upang tignan kung gumagana ngunit naging dahilan ito ng pagsabog.
Nagtamo ng sunog sa katawan ang dalawang biktima na kaagad naman isinugod sa ospital ng mga nagising na kapitbahay.