MANILA, Philippines - Binulabog ng bomb threat ang isang pampublikong paaralan sa lungsod ng Makati, ayon sa mga pulis ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Makati police chief Senior Superintendent Manuel Lukban na nakatanggap ng tawag ang security guard ng Makati National High School sa may kalye ng Gen. Luna sa Barangay Poblacion bandang 7:25 ng umaga.
Ayon sa sekyu ay sinabihan siya na may sasabog na bomba sa naturang paaralan.
Kaagad ipinagbigay alam ng security guard ang impormasyon na nirespondehan naman ng bomb squad.
Wala namang natagpuang bomba ang mga awtoridad sa loob ng paaralan.