MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kasong carnapping ang isang lalaki na nagpakilalang pulis makaraang tangayin ang motorsiklo ng laÂlaking nagpaangkas sa kanya, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Sinampahan rin ng biktimang si Alexander Mangila, 36, ng mga kasong physical injury, robbery at usurpation of authority ang suspek na nakilalang si Dayvie Paris, 31, ng Gen. T. de Leon, ng naturang lungsod.
Sa salaysay ni Mangila sa pulisya, dakong alas-4 ng hapon nang magtungo siya sa may Urutia St. sa Gen. T. de Leon at hinahanap niya ang live-in partner na umalis ng walang paalam sa kanilang bahay.
Lulan ng kanyang Honda XRM na motorÂsiklo, nadaanan nito ang umpukan ng inuman. Pinara siya ng suspek na si Paris at pinatagay na kanya namang pinaunlakan saka umalis upang ituloy ang paghahanap sa kinakasama.
Nang hindi makita, muli itong bumalik kung saan nakitang naglalakad sa kalsada ang suspek na kanyang inalok na umangkas at ihahatid sa pupuntahan. Habang sakay ng motor, naging makulit na ang lasing na si Paris at inaÂkusahan ang biktima na ‘asset’ ng pulis.
Dinukot pa umano ng suspek ang wallet ni Mangila at sinuntok siya sa batok sanhi upang sumemplang silang dalawa. Dito na inagaw umano ng suspek ang motorsiklo at itinakas ngunit humingi ng tulong ang biktima kaya naharang ng mga tambay ang suspek. Rumesponde rin ang pulisya na siyang nagdala sa suspek sa presinto.