Bebot, todas sa bala at saksak

MANILA, Philippines - Binaril  matapos saksakin ang isang hindi pa nakikilalang  babae na natagpuan sa Port Area, Manila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Princess Morales, tinatayang 20-30- anyos ng Blk 14 Baseco compound, Port Area, Manila

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni Det. Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD-homicide section) dakong alas-12:05 ng madaling-araw nang natagpuang patay ang biktima sa Block 9 New Site, katabi ng Baseco Evacuation Center, Baseco compound, Port Area, Manila.

Ilang kabataan ang naglalaro sa nasabing lugar nang napansin  ang biktima na nakadapa, may   saksak sa dibdib at dalawang tama ng bala sa  ibaba ng dibdib at kaliwang kamay.

Nabatid na may anak na 2-anyos ang biktima na nasa pangangalaga ngayon ng barangay.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay. Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Rich Funeral homes para sa safekeeping at awtopsiya.

 

Show comments