MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong lalaki matapos ireklamo ng mga magulang ng mga kabataang narecruit ng mga ito sa kanilang fraternity kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Nahaharap sa kasong obstruction of justice ang suspek na sina si Archemedes PangandoÂyong, 55, habang physical injuries in relation to child abuse naman ang ikinaso kina Regan Buen, 18; at Mario Reyes, 19, pawang residente ng Displina Village ng naturang lungsod.
Ayon sa report ng Valenzuela City Police, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga magulang ng mga biktimang edad 11 hanggang 14 na na-irecruit nina Buen at Reyes sa kanilang San Francisco-Novaliches Gang.
Nabatid na sumailalim umano sa hazing ang mga biktima kung saan nakitaan ng mga paso ng sigarilyo sa mga braso at palo sa magkabilang hita ang mga ito.
Dahil dito, alas-4:00 ng hapon ay pinuntahan ng mga pulis ang lugar ng mga suspek upang dakpin ang mga ito subalit pilit na hinarang ni Pangandoyong ang mga awtoridad na naging dahilan upang isama siya sa presinto kasama sina Reyes at sampahan ng mga naÂsabing kaso.
Ayon pa sa mga biktima na pilit silang pinagagamit ng marijuana at pinasasali sa rambulan ng mga suspek.