MANILA, Philippines - Nagsagawa na kahapon ng dry run ang Metropolitan Manila Development AuthoÂrity (MMDA) para sa muling paggamit ng river bus ferry bilang alternatibong behikulo ng mga commuter dahil na rin sa matinding trapik sa mga lansaÂngan lalo na nalalapit ng umÂpisahan ang mga infrastructure road project ng gobyerno.
Nabatid na ang naturang MMDA river bus ferry ay may kakayahang magsakay ng 40 pasahero at ang itsura nito ay kulay dilaw na mini bus na nakapatong sa isang tug boat.
Ayon sa MMDA, magaÂgamit din aniya ang naturang ferry boat pang emergency lalo na kung pupunta ng ospital para makaiwas aniya sa sobÂrang trapik sa EDSA Avenue.
Laging handa rin ang river bus ferry dahil may mga life vest dito na siyang gagamitin ng mga mananakay. Ang naturang dry run ay sinimulan sa Guadalupe Station, Makati City papuntang Plaza Mexico sa Intramuros, Maynila.
Nabatid pa sa MMDA na isang ferry boat pa lamang ang nagagawa, subalit layon nilang makagawa ng apat hanggang lima. Gagamitin naman ang mga daungan na ginamit na noong 2011 noong aktibo pa ang operasyon nito.
Inaasahan na magsisimula ang operasyon ng MMDA river bus ferry sa buwan Abril kung saan babagtas ito ng Maynila, Mandaluyong, Makati at Pasig City.