MANILA, Philippines – Sugatan ang isang piskal matapos atakihin ng isang preso sa loob ng korte sa Quezon City ngayong Huwebes ng umaga.
Nagtamo ng pasa at gasgas sa leeg si Senior State Deputy Prosecutor Richard Anthony Fadullon matapos atakihin ng presong si Onofre Surat Jr.
Matapos ihayag ni Judge Manuel Sta. Cruz Jr. ang hatol na guilty kay Surat, sinugod ng preso, na may kasong kidnapping, si Fadullon sa loob ng Quezon City Regional Trial Court Branch 226 bandang 10:30 ng umaga.
Habambuhay na pagkakakulong ang parusa kay Surat matapos mapatunayang nasa likod ng pagdukot at pagpatay kay Mark harris Bacalla ng Barangay Fairview noong 2001.