Ex- brgy. captain, sugatan sa tandem

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang dating barangay captain matapos barilin ng riding-in-tandem habang pauwi ang una galing sa korte sa Malabon City kahapon ng umaga. Ginagamot sa Manila Central University  Hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg  ang biktima na si Antonio Cris, nasa hustong gulang ng Brgy. Tonsuya ng naturang  lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-9:20 ng umaga habang ang biktima ay pauwi na sa kanyang bahay galing sa korte at habang sakay ng kanyang Crosswind ay dinikitan ito ng mga sus­pek sakay ng motor­siklong hindi nakuha ang plaka sa Sanciangco St., Brgy. Catmon. Pina­pu­tukan ng isa sa mga  suspek ang biktima bago mabilis na tumakas habang dinala naman si Cris sa  naturang ospital.

Inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga suspek sa nasabing insidente.

Show comments