MANILA, Philippines - Tatlong pinaniniwalaang karnaper ang nasakote ng mga pulis sa isinasagawang Oplan Sita sa Caloocan City kahapon.
Nakilala ang mga suspek na sina Mark John Baello, 26; Jonathan Baello, 27; at RoÂnald Calaboso, 28, pawang ng Heroes Del 96 ng naturang lungsod.
Base sa ulat ng Caloocan City Police, ala-1:30 ng maÂdaling-araw, sakay ang mga suspek sa isang kotse na hindi nakasindi ang headlights.
Pagsapit sa A. Mabini St., ng naturang lungsod ay sinita ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita.
Agad na napansin ng mga pulis ang nakasukbit na kaÂlibre .45 baril kay Mark John na naging dahilan upang pababain at nang halughugin ang sasakyan ay nakuhanan ng apat na pickÂlocks na ginaÂgamit sa pagdistrungka ng mga susian ng sasakyan, bolt cutter, isang plate number ng motorsiklo at dalawang fiber plates cover. Dinala sa himpilan ng pulisya ang tatlo.