MANILA, Philippines - Isang Chinese naÂtional ang inaresto maÂtapos itong mahulihan ng droga at suhulan umano ng halagang P1 milyon ang mga pulis na umaaresto sa kanya kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Hao Cheng, 47, pansamantalang nanunuluyan sa Room 605 Maxim Resort World ng naturang lungsod.
Ayon kay P/Insp. Cesar Teneros, hepe ng Intelligence Section/Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pasay City Police nasakote nila ang suspek alas-8:30 ng gabi habang nagsasagawa ng insÂpeksiyon ang kanyang mga tauhan sa Jalandoni St., CCP Complex nang namataan nila ang suspek na kausap ang isang lalaki sa pag-aakalang hinoholdap nito ang naturang dayuhan.
Nilapitan ng mga pulis ang dalawa, subalit dito nila naÂaktuhang sinusuri ng suspek ang isang plastic na naglalaman ng shabu at kaagad namang tumakbo at sumakay sa isang motorsiklo ang kausap nitong lalaki.
Sinampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Section 11 Art. 2 ng Republic Act 9165 dahil sa nakuhang droga at briÂbery o panunuhol ng halagang P1 milyon sa mga pulis.