Mister dinedo sa bahay

MANILA, Philippines - Napaslang ang 39-anyos na mister makaraang ratratin­ ng di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang bahay sa Caloocan City kahapon.

Naisugod pa sa Martinez Memorial Hospital subalit namatay din dahil sa mga tama ng bala ng cal. 9mm pistol ang biktimang si Edmer Ocampo, nakatira sa panulukan ng  Pateros at  Pasig Streets sa Maypajo sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon nina SP01 Frederick Manansala at PO3 Rommel Bautista ng Caloocan City PNP, naganap ang insidente bandang alas-5:30 ng hapon sa tapat ng bahay ng biktima.

Nabatid na nakaupo ang biktima sa bakuran ng kanyang bahay nang lapitan at ratratin ng gunman habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments