MANILA, Philippines - Suspendido ang klase sa ilang unibersidad sa Maynila kaugnay sa idaÂdaos na walk for a cause ng Iglesia ni Cristo (INC) ngayong Sabado, Pebrero 15.
Ang mga nabanggit na unibersidad na nagsuspinde ng kanilang mga klase ay ang Far Eastern UniverÂsity-Manila, Colegio de San Juan de Letran Intramuros Manila, Philippine Women’s University-Taft, University of the Philippines-Manila at University of Santo Tomas.
Ayon sa MMDA walang pasok sa mga nabanggit na eskwelahan dahil sa inaÂasahang matinding trapik sa Maynila na idudulot ng ‘Worldwide walk’.
Sinabi pa ng MMDA na tatangkain ng INC na makuha ang Guinness World Record para sa “World’s largest walk for a cause†na gagawin ng kapatiran ng Iglesia Ni Cristo para sa mga biktima at nasalanta ng super typhoon Yolanda.