Holdaper todas sa shootout

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang holdaper ang  namatay nang makipagpalitan ng putok sa mga rumespondeng pulis sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang kinilala sa alyas Mak-Mak, tinatayang 25-30 anyos, katamtaman ang pangangatawan, may taas na 5’3’’-5’5’’, naka­suot ng kulay itim na shorts.

Sa report ni Det. Michael Maraggun ng MPD-homicide section, dakong alas-9:30 ng gabi nang naganap ang in­sidente sa kanto ng Lakandula at Mabuhay Sts., Tondo, Manila.

Nauna rito, nag-report ang biktimang sina Lasslyn Ubalde, 21; Rosel Rulida, 22; Joseph Diaz, 42; at Rolando Vidad, 45, pawang residente ng Tondo sa Manila Police District (MPD)-Station 2 hinggil sa umano’y naganap na panghoholdap sa kanila. Bunsod nito, nagresponde ang mga tauhan ng MPD-Station 2 sa pinangyarihan ng insidente kung saan namataan ng mga biktima ang isa sa suspek sa Road 10.

Tinangkang lapitan nina Sison at Ignacio ang suspek subalit agad silang pinaputukan kaya pinalitan naman ang  mga pulis na gumanti ng putok na nagresulta ng  kamatayan nito.

 

Show comments