Pabrika ng lona at kapote, nasunog

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa mahigit P5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo ma­tapos matupok ang isang pabrikang gumagawa ng lona at kapote kahapon ng madaling-araw sa Pasay.

Base sa report ni Pasay City Fire Marshall Chief Inspector Douglas Guiyab, alas-5:18 ng madaling-araw nang mag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng Limkaco Industries,  na pag-aari ni Gary Lim sa Ignacio St., panulukan ng  Park Avenue Brgy. 75 ng nasabing lungsod.

Ayon kay Guiyab, naka­rinig umano ng malakas na pagsabog sa loob ng naturang pabrika hanggang sa kumalat ang malakas na apoy.

Nabatid sa mga kagawad ng pamatay-sunog na na­hirapan silang maapula ang apoy dahil bukod sa mga laman ng pabrika ay maraming mga kawad ng kuryente ang nakaharang hanggang sa umabot nga ito sa ika-apat na alarma.

 

Show comments