Kelot hulog sa Araneta tunnel, kritikal

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang mahulog mula sa 20 talampakang taas ng isang tunnel sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 1, nakilala ang sugatang biktima na si Mathew David,  19, residente sa Gen. Lim, Brgy. Sta Cruz, sa lungsod.

Si David ay ginagamot ngayon sa East Avenue Me­dical Center dahil sa tinamo nitong pinsala sa ulo at katawan­.

Nangyari ang insi­dente sa Araneta-Quezon Ave­nue Tunnel, alas-2 ng madaling-araw.

Ayon sa ilang saksi, bago ang insidente, nakita umano ang biktima na tila lasing at tumatawid sa may itaas ng naturang tunnel.

Ilang sandali, bigla na lamang umano itong nahulog sa baba, sanhi para ito magtamo ng sugat sa katawan at ulo.

Tumagal naman ng ilang minuto bago duma­ting ang mga rescue team at isinugod ang biktima sa nasabing ospital.

 

Show comments