Holdaper na akyat bahay pa, itinumba

MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki na pinaniniwalaang kilabot na hol­daper at miyembro ng akyat bahay gang matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon sa Taguig City.

Dead-on-the-spot  si Ronald Melendez, alyas Pikson, 22, G. Banana St., Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan ng naturang siyudad.

Ayon sa pagsisiyasat ng Taguig City Police, naganap ang insidente alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Road 5, panulukan ng A. Reyes St., Purok 3,  habang naglalakad ang nasawi nang biglang sumulpot sa harapan nito ang isang lalaki at walang sabi-sabing pinagbabaril ang una  na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos isagawa ang krimen. Base pa rin sa  Taguig City Police, nabatid na ang biktima ay may rekord na isang kilabot na holdaper at miyembro rin umano ng akyat bahay gang.

Show comments