Makati Rep. Binay wagi ng condo unit sa Power Plant raffle

MANILA, Philippines - Nanalo ng mamahaling condominium unit ng Rockwell sa Pasig City ang mambabatas na anak ni Vice President Jejomar Binay.

Inihayag ng Power Plant Mall ang pagkapanalo ni Makati 2nd District Rep. Mar-Len Abigail Binay sa Facebook account nito.

Ayon sa Power Plant Mall, nanalo si Binay sa kanilang Christmas grand raffle.

"Congratulations to our 2013 Grand Raffle winner!" pahayag ng Power Plant Mall sa Facebook.

Napanalunan ni Binay ang isa sa pinakamaliliit na residential unit sa The Grove sa kahabaan ng C5 Road sa Pasig City. Ang isang studio unit sa The Grove ay nagkakahalaga ng P4 milyon.

Hindi naman mapigilan ang netizen na magreklamo sa resulta ng raffle.

"Am I reading this right? Cong. Abby Binay won your grand raffle? As if they still need additional assets to their burgeoning wealth," ayon sa isang Facebook user na si Mel Banico.

Dagdag ni Clement Te: "[This] (makes) me think twice on joining the Powerplant Mall raffles in the (coming) years."

Show comments