MANILA, Philippines - Kapwa patay ang isang mag-ina nang pagpapaluin ng matigas na bagay ng kanilang padre de pamilya at inilagay sa loob ng comÂpartment ng kotse kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.
Kinilala ang mag-inang sina Fe Rafael, 54; at DaÂnilo Rafael, Jr., 18, kapwa residente ng Multinational Village, Bgy. Moonwalk ng naturang siyudad.
Nagtamo ang mag-ina ng maraming palo ng maÂtigas na bagay sa ulo na pinaniniwalaang dahilan ng agad na kamatayan ng mga ito.
Pinaghahanap naman ng mga kagawad ng Parañaque City Police ang suspek na si Danilo Rafael Sr., 55, ng nasabi ring address.
Ayon sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, alas-12:00 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng mag-ina sa compartment ng kanilang kotse na may plakang TQN-896, na nakaparada sa harapan ng
bahay ng mga magulang ni Fe sa Timothy St., Multinational Village, Bgy. Moonwalk ng nasabing lungsod.
Nagtataka ang mga kaanak ni Fe kung bakit nakaparada sa kanilang harapan ang kotse nito dahilan upang inspekÂsiyunin ng mga ito hanggang
sa tumambad sa kanila ang bangkay ng mag-ina.
Matapos isagawa ng suspek ang krimen ay mabilis itong tumakas at ayon pa rin sa mga kaanak ng biktima, sobra umanong seloso ang suspek at isa ito sa mga motibong sinisiyasat ngayon ng pulisya.