MANILA, Philippines - Sinuspinde ng isang buwan ng pamunuan ng Bureau of Corrections ang dalaw sa preso ng Maximum Security Compound, New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ang naging hakbangin ng BuCor ay base sa naganap na patayan na ang dahilan ay may kaugnayan sa love quarrel o LQ.
Sinabi ng BuCor maÂnagement na isang buwang hindi muna nila papayagang dumalaw ang mga kaanak at kaibigan ng mga presong nakakulong sa Maximum Security Compound
Upang bigyan ang mga ito ng leksiyon at upang ibayong maipatupad ang mahigpit na seguridad dito at bahagi rin ito ng pansamantalang pagtatanggal ng pribelehiyo sa mga bilanggo.
Subalit ang naging direktiba ng BuCor ay pinalagan ng ilang bilanggo o ilang gang sa naturang pambansang kulungan.