MANILA, Philippines - Isang 51-anyos ang nasawi habang dalawa pa ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab at tumupok sa 36 na kabahayan sa isang barangay sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.
Sa inisyal na impormasyong ibi-nigay ni Supt. Jose Fernandez, city firemarshal, nakilala ang nasawi na si Chery Samonte, habang sugatan naman sina Arnel Beltran, 37, at Virginia Promentina, 49.
Sabi ni Fernandez, si Samonte ay nasawi habang isinusugod sa Quezon City General Hospital makaraan umanong atakehin sa puso. Habang ang dalawa naman ay ginamot ng mga rescue team matapos na ma-soffocate dahil sa usok.
Sa ulat, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Amy Tybocsing, 36, na matatagpuan sa Sitio Pasong Cruz, Barangay Pasong Tamo, ganap na ala 1:45 ng hapon.
Diumano, bigla na lamang nag-apoy mula sa ground floor ng bahay ni Tyboc-sing hanggang sa tuluyang maglagablab ito at madamay ang kalapit bahay nito.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, kung saan aabot sa 144 na pamilya ang nawalan ng tirahan, bago tuluyang naapula ito ganap na alas 3:20 ng hapon.
Tinatayang aabot sa P2 mil-yon ang halaga ng napinsala sa sunog, habang iniimbestigahan pa ang ugat nito.