MANILA, Philippines - Arestado ang isang 55-anyos na lolo nang i-hostage nito ang kanyang 7-anyos na apo matapos itong sumpungin ng diprensya sa pag-iisip, kamakalawa sa Navotas City.
Sa naantalang report kahapon ng Navotas City Police, nakakulong ngaÂyon ang suspek na si Alejandro De Antonio, ng Tabing Dagat, Barangay San Jose ng naturang lungsod habang nasa ligtas nang kalaÂgayan ang biktima. Sa ulat ng pulisyaÂ, alas-4:00 ng hapon nang i-hostage ng suspek ang apo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na naging dahilan upang itawag ito sa mga pulis.
Maging si Navotas Mayor John Rey Tiangco ay nagpunta sa nasabing lugar kung saan hiniling ng suspek na makaÂusap ang anak na si Jenny na pinagbigyan naman. Habang kausap ng suspek ang ina ng bata ay nagawa ng ilang
pulis na makaakyat sa ikalawang palapag at madamba ang una at makuha ang hawak na patalim habang nailagay sa ligtas na lugar ang apo. Nabatid na naging pasyente ng National for Mental Health ang suspek at posibleng tinopak ito kaya nagawa nitong i-hostage ang apo.