MANILA, Philippines - Arestado ang limang binatilyo matapos muling makipagkita sa isang 19-anyos na babaeng nagsampa laban sa kanila ng kasong rape sa Tondo, Maynila, kamakaÂlawa ng gabi.
Itinago ang mga pangalan ng mga suspek sa alyas Cris, 18, 4th year high school student; Aris, 15, 4th year high school; Lito, 17; Jose, 17 at Pepe, 17, pawang out-of-school youth at pawang mga residente ng Hermosa, Tondo, MaynilaÂ.
Ang lima ay dinakip nang harapang ituro sa mga tauhan ng Manila Police District-Hermosa Police Community Precinct (PCP) ng biktimang itinago sa pangalang si Jenny, 19, college student, resident ng Caloocan City na silang naghalinhinan na humalay sa kanya.
Isinalaysay ng biktima na noong Enero 11, 2014 niyaya umano siya ng isang kaibigang babae sa inuman dahil sa selebrasyon ng monthsary ng nobyo ng huli. Nagtungo sila sa bahay ng isa sa suspek sa Torres Bugallon St.
Nang makainom na ng tatlong baso, nahilo at nakatulog ang biktima hanggang sa magising ito dakong alas-11:00 ng gabi, na masakit na ang buong katawan, hubo’t-hubad habang naroroon ang mga suspek, nawawala na ang dala niyang P2-libo na itinago sa dibdib pati ang suot niyang contact lense ay wala na sa kaniyang mata.
Dali-dali siyang nagbihis at umalis at nagsumbong sa mga magulang. Idinulog sa pulisya ang insidente at isinaÂilalim siya sa medico-legal para pagtibayin ang ihaharap na kasong rape.
Kamakalawa ng gabi, dakong alas-7:30 nang itext siya ng mga suspek at nais umano siya uling makita, hanggang sa makipagtagpo ang biktima sa Hermosa St.
Lingid sa kaalaman ng mga suspect ay may kaÂsama ng mga pulis ang dalaga na umaresto sa kanila.