MANILA, Philippines - Hawak na ng pulisya ang apat sa anim na suspect na umano’y humoldap at pumatay sa isang Amerikano noong umaga ng Enero 18, 2014 sa Padre Faura Ermita, Maynila.
Sa report ng pulisya nakilala ang mga suspek na sina Fernando Marquez, alyas Junjun, 21; Perry Palero, 27, kapwa miyembro ng Bahala na Gang; Bernie Riodeque, alyas Topie, 42 at Jeryl Corpuz Ison, 20.
Habang tinutugis na rin ng mga awtoridad ang dalawa pang suspek na sina Teddy Adesas at Christopher Benitez.
Ang mga nasabing suspek ang positibong nangholdap at pumatay kay Robert John Karlsen, 58, alas-4:00 ng umaga noong Enero 18.
Nakilala ang mga suspek sa pamamagitan ng footage ng CCTV mula sa mga business establishment sa lugar.