2 nakatambay huli sa boga

MANILA, Philippines - Kalaboso ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng mga boga habang nakatambay sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms sina Edwin Sese, 30 ng Francisco st., at Noel Delos Reyes, 33 ng Tandang Manang st., kapwa ng Parada ng lungsod.

Batay sa ulat ng Valenzuela City Police, alas-10:30 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag sa telepono  na may dalawang lalaki na nakatambay sa Francisco St., Barangay Parada, na pawang may dalang mga baril.

Nang respondehan ay hindi na nakapalag ang mga suspek at nakuha kay Sese ang paltik na Magnum .357 habang sumpak naman ang nakuha kay delos Reyes.

Dinala ang mga suspek sa presinto at sinampahan ng nasabing kaso kung saan inaalam na kung sangkot sa illegal na gawain ang mga ito.

 

Show comments