MANILA, Philippines - Arestado sa ikalawang pagkakataon ang isang pekeng traffic enforcer dahil sa patuloy na pangongotong sa mga motorista lalo na sa mga dayuhang motorista, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Si Virgilio Abenoja, 33, dating tauhan ng Pasay City Traffic Management and Parking Office ay nadakip matapos isagawa ang isang operasyon ng mga tauhan ng Intelligence Division ng Pasay Police dahil sa natatangap na ulat ng paÂngoÂngotong nito na nagpapakilalang traffic enforcer sa lungsod.
Dakong alas-8 ng gabi nang matiklo si Abenoja habang nakaistambay sa Malibay St. Nakasuot pa si Abenoja ng berÂdeng jacket ng mga traffic enforcer habang nakuha sa posesÂyon nito ang isang Traffic Management Code booklet na gamit nito sa panghuhuli, tatlong driver’s license na maaaring biktima ng suspect, isang relos at isang cellular phone.
Nabatid na matagal nang nasibak sa tungkulin si Abenoja dahil sa patung-patong na kaso ng pangongotong. Una na ring nadakip ito noong Oktubre 2012 dahil sa pangongotong sa isang motorista sa tapat ng Ninoy Aquino International Airport Terminal III ngunit nakalaya rin makaraang makapagpiyansa.
Kakasuhan ng usurpation of authority ang suspect na napag-alamang kinatatakutan din pala ng mga enforcer sa lugar dahil kadalasang armado ang suspect ng hindi lisensyadong baril.