MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang patay makaraang pagÂbaÂbarilin ng hindi natukoy na mga suspek habang ang mga una ay nakaistambay sa isang tapsilogan sa lungÂsod Quezon kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal InÂvesÂtigation and Detection Unit, nakilala ang mga naÂsawi na sina Norvic Bello, 21, construction worker; at Roberto Valenzuela, 17; kapwa mga residente sa Brgy. Old Capitol Site sa lungsod.
Blanko naman ang mga awtoridad kung sino ang mga suspek sa naturang pamamaril.
Ayon kay PO2 Julius Raz, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may harap ng Tholits Tapsilogan na matatagpuan sa no. 29 Dhalia St., Brgy. Old Capitol site, sa lungsod, ganap na alas-12:05 ng madaling-araw.
Sabi ng isang Merlito Antoya, dishwasher ng tapÂsilogan, nagÂhuhugas siya ng pingÂgan nang makarinig ng mga putok ng baril mula sa labas.
Nang kanyang tignan ay bumulaga na lang sa kanya ang mga duguang katawan ng mga biktima.
Agad namang nakarating sa kaalaman ng kaanak ng mga biktima ang insidente at nagtungo sa lugar saka isinugod ang mga ito sa East Avenue Medical Center, suÂbalit kapwa idineklara din dead on arrival dahil sa tama nila ng bala sa ulo.
Patuloy ang imbestiÂgasÂyon ng awtoridad sa naÂsabing insidente.