MANILA, Philippines – Hinimok ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ngayong Miyerkules ang mga may-ari at manager ng condominium sa Bonifacio Global City (BGC) na higpitan ang kanilang pagtanggap ng mga tenant.
Nagpaalala si Cayetano kasunod nang isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isa umanong shabu laboratory sa BGC ngayong Miyerkules ng umaga.
"It is the standing policy of the Taguig City government to take a stronger stance against illegal drugs and the criminal syndicates that peddle them within the city," pahayag ni Cayetano.
Kaugnay na balita: Shabu lab sa Taguig nilusob ng NBI; 2 tiklo
“We must remain vigilant against this menace in our society. While I am glad that the NBI and the police are able to dismantle this drug operation, I challenge them to be more aware and to stay on ground against crimes such as this,†dagdag niya.
Pinasalamatan din ng alkalde ang NBI at ang pulisya sa pagsugpo sa operasyon ng shabu laboratory sa unit 302 ng Luxe Residences.
“It is therefore imperative that we double our efforts in ridding Taguig of illegal drugs. I therefore laud the Taguig City police and the NBI for this recent victory against illegal drugs," banggit ni Cayetano.
Nadakip sa ginawang paglusob ang dalawang Filipino-Canadian na sina Barry Espadilla at Christian Tolazo.
Nasabat sa loob ng kuwarto ang iba’t ibang droga tulad ng shabu, cocaine at ecstacy pills na tinatayang nagkakahalaga ng higit P1 milyon.
“Winning the war against illegal drugs is an essential component in the maintenance of peace and order in Taguig. More than providing a safe haven for the business community to flourish in our beloved city, it is also important in securing our residents against syndicates that prey on the innocent,†sabi pa ni Cayetano.