MANILA, Philippines - Aabot sa P10 milyong halaga ng ari-arian at paninda ang natupok sa sumiklab na sunog sa isang home depot sa Taguig City kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Taguig Fire Department, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa loob ng MC Home Depot sa may 32nd Street, The Fort-Bonifacio Global City, sa naturang lungsod.
Umabot ang alarma ng sunog sa task force Alpha dahil sa mabilis na pagkalat dulot na rin ng mga kemikal na nakaimbak sa loob ng naturang home depot. Dakong alas-3:55 ng madaling-araw nang ideklara ng mga bumbero na fire under control ang sunog at nasa alas-4:30 na ng madaling-araw nang ganap na itong maapula.
Hindi naman agad matukoy ang sanhi ng sunog. Ngunit ayon sa mga guwardiya, ilang beses na nagpatay-sindi muna ang kurÂyente sa lugar bago sumiklab ang apoy sa loob ng depot. Wala namang naitalang nasaktan sa insidente at hindi naman nadaÂmay ang mga kalapit na establisimento.