2 mister nag-suicide

MANILA, Philippines - Dalawang mister ang nasawi sa magkahiwalay na insidente nang pagsu-suicide sa Valenzuela City kahapon.

Sa unang insidente, nabatid na sa ikalawang pagkakataon ay natuluyan na si Fakhar Halud, 34, ng Delupio St., Fortune Village-1, Brgy.  Gen. T. De Leon ng naturang  lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, alas-3:30 ng madaling araw nang matagpuang nakabigti ng malong ang biktima sa loob ng kanilang bahay kung saan mabilis na kinalag at dinala sa nabanggit na ospital ng mga kaanak nito.

Nabatid na noong nakaraang Sabado ay nagtangka na ring magpakamatay si Halud­,  subalit naagapan ito ng kan­­yang mga kaanak, ina­alam na ang dahilan ng pagpapatiwakal nito.

Nakakuha ang mga pulis ng suicide note kung saan nakasaad na mahal na mahal ng nasawi ang mga anak at nagbilin na agad siyang i-cremate at isaboy ang abo sa dagat.

Samantala, hindi naman kinaya ni Orlando Vasquez, 53, ang matagal nitong sakit at pagiging paralitiko ng kanyang misis na naging dahilan upang magbigti ito ng nylon cord sa kanyang pinagta­trabahuan sa Santos Subdivision, Brgy. Gen. T. De Leon ng na­turang lungsod alas-6:30 ng umaga.

Lumalabas na may matagal ng sakit ang biktima at paralitiko pa ang asawa na naging dahilan upang makunsumi at magpakamatay ito.

 

Show comments