Nambibiktima ng mga dayuhan ‘Vertical gang’ aktibo sa Maynila

MANILA, Philippines - Aktibong nagsasagawa ng kanilang modus operandi sa lungsod ng Maynila ang ‘Vertical­ Gang’ na kinabibilangan ng mga aktibong pulis, scalawag na pulis at sibilyan.

Ito naman ang ibinunyag ng isang mapagkakatiwala­ang source na ang grupo uma­no’y nambibiktima ng mga fo­reigner upang makuhanan ng mala­king halaga.

Ayon sa source, matagal ng modus operandi  ito ng grupo na  nambiktima at nangotong  din sa dalawang Arabiano  noong nakaraang linggo. Inutos naman agad ni Manila Mayor Joseph Estrada ang imbestigasyon laban sa apat na pulis.

Modus ng grupo na pa­inan ng babae at  bakla ang  mga dayuhan at bibigyan ng Ativan hanggang sa dalhin sa isang motel.

Dito na irereklamo ang  dayuhan ng rape sa pulisya kung saan makikipag-areglo naman ang dayuhan upang hindi na maituloy pa ang kaso.

Aminado ang source na  malawak ang operasyon ng  ‘Vertical Gang’ subalit hindi naman nasusugpo dahil na rin sa  kawalan ng complainant.

Aniya, maaari lamang ili­pat ng police station ang mga pulis subalit nananatili pa rin ang kanilang  koneksiyon.

Nabatid na umalis na ng bansa ang dalawang Arabo na nakotongan ng mga pulis sa takot  para sa kanilang segu­ridad.

 

Show comments