Ret. colonel, 1 pa huli sa matataas na kalibre ng armas

MANILA, Philippines - Dalawang hinihinalang gunrunners kabilang ang isang retired colonel ang nahulog sa kamay ng ope­ratiba ng National Bureau of Investigation (NBI)  matapos makumpiskahan ang mga ito ng mga matataas na kalibre ng baril na nagkakahalaga ng mahigit sa P.8 milyon sa isang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ang mga suspek na sina retired Philippine Army Colonel Pablo Bigal Angeles at Ernesto Tuquero.

Base sa report, naganap ang insidente  alas-9:00 ng gabi sa parking area ng isang shopping mall na matatagpuan sa Taguig City.

Nakarating sa tanggapan ng NBI ang pagbebenta umano ng matataas na kalibre ng baril ng mga suspek na na­ging dahilan upang mag­lunsad ng buy-bust operation.

Isang operatiba  ng NBI ang nagpanggap na bibili ng baril na nagresulta nang pagkakadakip sa nabanggit na mga suspek at nakum­piska sa mga ito ang ilang matataas na kalibre ng baril na tinatayang nasa P820,000 ang halaga.

 

Show comments