MANILA, Philippines - Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang pagkasunog ng isang sasakyan kahapon sa kahabaan ng EDSA AvenueÂ, Makati City.
Ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Metro Base alas-8:00 ng umaga nang masunog ang isang sasakyan sa southbound lane ng EDSA-Gil Puyat Avenue, hurisdiksiyon ng lungsod ng Makati.
Ayon kay Charlie Nozares, isang staff ng MMDA, wala namang nasaktan sa naturang insidente dahil kaagad namang naitabi ang nasusunog na sasakyan sa emergency bay.
Kaagad na rumisponde ang mga bumbero para apulain ang malakas na apoy, subalit nagkulang aniya ang tubig nito. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang uri ng sasakyan ang nasunog, ano ang sanhi nang pagsiklab nito at kung sino ang may-ari nito.