Pasok sa korte sa Maynila, half day bukas

MANILA, Philippines - Inihayag ni Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na half day lamang ang pasok sa mga korte­ sa Maynila bukas ka­sabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Inilabas ang kautusan sa Supreme Court, Court of Appeals at trial courts sa Maynila na hanggang alas-12:00 lamang ng tanghali.

Ito’y upang hindi na mag­siksikan ang maraming mga pasahero dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko.

Nabatid na batay sa pagtaya ng MPD, inaasahang aabot sa 9 milyong deboto ang sasama sa traslacion.

Marami din aniyang taga-korte ang deboto ng Na­zareno na mabibigyan ng pag­kakataon na sumama sa Translacion.

Show comments