MANILA, Philippines - Umapela sa publiko ang pamunuan ng NaÂtional Bureau of Investigation (NBI) partikular sa mga kumukuha ng NBI clearance dahil sa dinaranas ngayon na napakahabang pila sa headquarters ng ahensya sa lungsod ng Maynila.
Kapansin-pansin umaÂno na simula kamakalawa ay umabot sa labas ng gate ng NBI sa United Nations Avenue hanggang sa kanto ng Maria Orosa ang haba ng pila,
Paliwanag ni NBI OfÂficer in Charge Medardo de Lemos, sinimulan na kasing ipatupad ang bagong sistema sa pagproseso ng NBI clearance na binuo mismo ng kawanihan.
Ito ay matapos na maÂpaso ang kontrata ng NBI sa technology service provider na Realtime Data Management Services Incorporated nitong Disyembre 31, 2013.
Ayon kay de Lemos, 19 na mga tanggapan lamang aniya, kabilang na ang main office ng NBI sa buong bansa ang nagpoproseso ngayon ng clearance.
Ito’y dahil hindi pa nabibili ang mga hardware na kailangan para sa proyekto para sa lahat ng clearance center sa buong bansa.
Bukod dito, kinakailaÂngan ding maayos ang koÂnekÂsyon ng lahat ng 22 district at 17 regional offices ng NBI.
Sa ilalim ng bagong sistema na 5-steps na lamang ang pagdaraanan ng aplikante sa pagkuha ng clearance mula sa dating sistema na 11-hakbang.
Mas mabilis aniya ito sa dati, na aabutin lamang ng 30 minuto mula sa dating 95 minuto.
Sinabi pa ni de Lemos na sisikapin nilang maÂisaayos ang sistema ng pagproseso ng NBI clearance hanggang sa susunod na linggo.